Thursday, January 05, 2006

collect,select,inspect,reject

happy new year! alam ko medyo late na itong greeting ko kasi january 6 na.. pero graber, hectic ako nowadays.. dami ginagawa.. dami inaatupag.. midterms na next week...


Collect, Select inspect, reject..............................

hay....

d ko tuloy matuloy ang kwento ko kasi antok na ako e.

bukas talaga promise.

Thursday, December 29, 2005

a few days before KABOOM!!!

a few more days and hey! it's 2006 already!!! yipee.. ay yikes pala... tatanda na naman ako... syet! 20 na ako next year..

nag-lunch kami kahapon sa cafe bola... well, ung 11 am na usapan naging 1 pm... hihihi.. medyo nagutom talaga ako nun ha... sapar ng lasagna... yummy yummy... ang tagal din namin nakapag-order kasi ba naman, pinagtatawanana pa ni sid @ ja ang menu... swimmers and runners daw... pepper jelly... at ung mga bola-bola.. ewan ko ba... pero kabusog talaga!

nagsawa ako sa kakalaro sa timezone.. una, sa greenbelt. dun na kasi namin mineet ni pau at sid si ja e. Dun na rin kami nag-stay while waiting for beryl and cleo... hay, malupit! parang ang hirap maglaro ng tekken dun... d kasi ako marunong gumamit e.. hahaha.. feeling ko masisira ko ung joystick... kaya sa time crisis atbasketball ang bagsak ko with pau... at ng wala na kaming maisip laruin, nanood na lang kami ni pau kay ja @ sid...

dumating din c beryl at ba isa pa rin itong adik kaya naglaro na naman kami.. bwahahaha..... sa cafe' bola na namin mineet c cleo... ang saya, promise!

may gift sa amin lahat si sid... ang cute ng teddy bear... heaven nga yung name niya e... sa kagustuhan kong ipakita kung gaano ko naappreciate si sid e sinabit ko cia sa bag ko... pero hind iko akalain na mawawala siya... grabe! hiyang-hiya tuloy ako... buti na lang at di nagtampo or nagalit c sid sa akin... bibigyan na lang daw niya ulet ako ng bago..

c ja naman, cd naman ang gift niya... compilation ng mga kakilig na mga kanta... naguilty lalo ako... naiwan ko kasi ung mga regalo nila... late na kc ako nagising e kaya naiwan ko.. sa pagmamadali nakalimutan ko... ayaw ko pa naman ma-late kasi nakakahiya e...

naikot ata namin ang greenbelt at glorietta...

naghanap din ako ng flowers para sa mommy ko kasi wedding anniversary nila ni Pop ngayon... aun, nag-lunch kami at nagpakalasing ngayong dinner.. hahaha.. di pa naman ako nalasing ng todo pero bumabagsak na talaga yung mga eyelids ko... hahahahahaha

new year na..

new ME na dapat.. ang dami kong dapat baguhin sa sarili ko... susubukan ko talaga... kailangan NEW and IMPROVED ako... bawal na ang tatamad-tamad at lalampa-lampa dba?!

sa love? * EEEEEEEEEEEEEEEEEEEENNNNNNNNNNNNNNKKKKKKKKKKKKKKK* kapital ZERO... ngak! ala muna niyan...pokus muna...
hahahaha...

akala ko guguho ulit ang mundo ko..

ala na...

he's seared in my memory...

huh..

past....

i'm so happy... ala na

tuloy tuloy na sana....




can't wait to see huny and abby para maikwento ko in full detail...





well...







i did it! *wink*




no bitterness, only happiness



and a better future ahead of me..



AMEN!

Wednesday, December 14, 2005

ho...ho...ho..

yes!!! just finished the first chapter of our thesis proposal..... wish ko lang tama ang ginawa namin ni pau...

hay, sobrang saya kahit pagod na pagod... sakit na ng katawan ko sa kabubuhat ng mga libro, grabehan ito!!! naku, pano na kaya bukas... hala,,, past 12 na e parang 7:45 ang class ko... hay naku, kakainspire talaga pag nakikita ko picture ni ramon marcelino... hahaha.. hay,feeling close!

i'm okay as ever... wala ng masakit.. mAsaya na ako! sobra... ang sayasaya ko na talaga... wala na ung sakit ko... magaling na talaga ako... at eto fully functioning individual na ako.. o say mo?!

hay.. good luck sa thesis namin at sa christmas vacation... vacation pa ba yun? hahaha!!!

Monday, December 12, 2005

yipee!!!



whew! i just finished my report for counseling class... hay, kapagod sobra!
anyway, ms. cha approved our topic, hehehe at last!....

grabe, i met my super crush, MARC of kjwan in shool... sobra ang gwapo lang talaga... astig! hay, he's so talented... maiin-love ka talaga sa boses niya... he sang moving a while ago tapos acoustic version ng daliri... wow... heaven talaga... sows... i love him!!! my gosh... he's getting more handsome everyday... hahaha... and pati handwriting niya sa poster kakaiba! he rocks! as in! musikero talaga!

wow, i can't believe it! i'm almost over this crazy feeling about him (hindi kay Marc ha!).... i really don't care anymore.... i dunno... hahahaha... sounds strange no... di parang katulad dati na hindi pa ako makahinga...
gosh! so embarassing!!!!

pero ewan ko, baka na-miss ako nung isang araw... hindi ko akalain na kakausapin niya ako...o dba?! ang iba lang talaga, wala na ung dating KILIG as in wala na... care ko ba ang drama ko ngayon... hindi ko nga alam kung bakit ganito... pero grabe

ang saya saya saya saya saya saya saya ko!!!!!

it's almost Christmas vacation and I still don't have gifts for my Godchildren... lagot! hahaha

Thursday, December 08, 2005

little by little...

what a day! it was really stressful... i was almost late this morning.... yep, i wasn't able to wake up early... weird!
well, we still don't have a thesis topic because our research prof hasn'tapproved anything yet! grabe! wala na nga ako maisip e....
little by little...
- i'm starting to let go of him! o iba yan ha... kelan mo yan narinig? now lang ata.. hehehe... i'm not that affected unlike before na hindi niya lang ako pansinin e parang end of the world na... hahaha.. at least ngayon... di ko na siya masyado pinapakealaman... i don't care na... hahaha... ang pangit ng term pero grabe, huney was absolutely right when she told me not to push him away and try to forget him in an instant ,but rather enjoy the moment while he's there. Ayun, ang pangit talaga pero parang pinagsawaan ko lang... kung sa sakit, na-immune na ako... tsaka bakit naman ba talaga ako aasa sa wala... wala naman talaga akong mapapala... hay, minsan para na akong sirang plaka... gasgas na yung iba kong linya pero... ang saya talaga! Ngayon ko lang tinatawanan ang sarili ko kasi napakababaw lang pala ng mga bagay na sa tingin ko dati e sobrang BIG DEAL na!!! I'm not blaming myself for feeling the "feeling" i felt before but i just realized that it wasn't really worth it. Hello?! Di ko naman ikakaila na masaya talaga malunod sa feeling na yun na kahit ouch na e sige pa rin ng sige...
it isn't complicated as before... na parang lahat ng gagawin ko e sobrang O.A. talaga.... hay... kakatawa... i'm open and ready to face a new day ahead.. and just like what chicken little said, " everyday is one new day!"... new me... new opportunities.... new choices... new challenges.. new lessons to learn, fun and suffeings will add spice but anyway... i have matured, i can say...
little by little... (",)

Tuesday, December 06, 2005

the first cut is the deepest

grabe... my right middle finger hurts... ang hapdi!!! nahiwa ba naman kc ako ng blade, hindi lang basta balat, laman talaga.. dumudugo pa nga din hanggang ngayon...

the first cut is the deepest... ewan ko kung aling sugat ba ang sinasabi ko pero eto lang ang masasabi ko... lahat talaga ng sugat, malalim man o hindi ay talagang nagdadala ng kirot at hapdi. At kahit anung laki ng gauze o band-aid ang ilagay mo, dudugo pa din at dudugo.

ewan ko na naman ba kung bakit ko sinasabi ang mga bagay na ito. siguro sobrang nasasaktan lang ako dahil sa sugat ko...

ayun lang...

masalit lang ang mga pangyayari.... wrong timing kasi

Thursday, December 01, 2005

"what you want is not always the best for you..."

shux... december 1 na... harharhar... santa claus is comin' to town already... believe it or not.. masaya ako these past few days... o dba.. something new...

maybe it's because i'm starting to accept what is happening... well. i hope you know what i mean... Grabe, pag nagtanong ka pala talaga sa Diyos, sobrang sasagutin niya pala yun... ung tagos talaga para sayo...

aba malay ko ba kung bakit ako nag-sit in sa theo class ni ms. D a week ago... at grabe.. cnagot talaga ni God lahat ng tanong ko... kung bakit ganun.. bakit d pwede... bakit hindi dapat ipagpilitan ang sarili... and everything....

yep, I cried... d lang halata...nakakapit lang ako sa braso ni huny kasi sobrang may impact sa akin lahat ng sinasabi... syet... meant to be ata namapasama ako sa class na ito sa araw na un... " WHAT YOU WANT IS NOT IS ALWAYS THE BEST FOR YOU"... tama nga ito..

hay, mukhang mas natatawanan ko na ung mga bagay na ito kaysa nung dati... well... i know i have not yet reached the "I totally FORGOT about him" stage pero un.. i'm happy about the things happening in my life right now...

i dunno...
basta i'm happy..
and i'm enjoying every moment of it...